SCE: Kung Kailangan Mo Ako

Walang Kapalit

by Rey Valera

on SCE: Kung Kailangan Mo Ako (2008), OPM Side By Side Hits of Sharon Cuneta & Rey Valera (2012)

'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin
Huwag mangamba, hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Sadyang ganito ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala, hinanakit sa 'ki'y walang-wala
CHORUS
At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin
[Repeat 2nd stanza]

[Repeat Chorus]
AD LIB
Asahan mong 'di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait
Huwag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin

Song Comments
On Walang Kapalit by Rey Valera

Must have JavaScript enabled to comment.