
Talulot Ng Sakura
by MNL48
on Aitakatta Gustong Makita (2018), Aitakatta (2018)
[Verse 1]
Ang liwanag ng araw ay tanaw sa bintana ng silid
Ang tagsibol ay malapit nang hangganan
Makikita na nakauniporme habang nasa klase ang lahat
Mukhang handa na, sa hamon ng buhay
[Pre-Chorus 1]
Kanya-kanyang kinabukasan
Tatahakin ng bawat isa
Pakpak ng pangarap natin nagsimula nang bumuka
[Chorus 1]
Tuwing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid ay dinig mo ang kampana ng pag-asa
Bigay sa atin ay tapang at kalayaang
Mamili ng pupuntahan
Tuwing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid may nananalanging kayanin niya sana
Pagsubok na dulot ng bagong mundo
Pintuang bubuksan, na pinili ko
[Verse 2]
Ang awayan sa telepono ay sa iyakan nagwakas
Naaalala at hinahanap-hanap
Magkasamang naranasan kalungkutan at ang saya
Kahit na kailan 'di naiwang mag-isa
[Pre-Chorus 2]
Nakangiti sa'king larawang
Pagtatapos ng pag-aaral
Pagpalit ng panahon
Hudyat na rin ng SAYONARA
[Chorus 2]
Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Kasabay ng pag-akyat sa hagdan ng pagtatapos
Sa asul na langit, habang nakatingin
Humihinga ng malalim
Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Mga alaala na kay ganda, pumapaimbulog
Sa pagtahak sa bagong yugto ng ating buhay
Mga kamay, sabay-sabay nating 'wagayway
[Interlude]
[Chorus 1]
Tuwing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid ay dinig mo ang kampana ng pag-asa
Bigay sa atin ay tapang at kalayaang
Mamili ng pupuntahan
Tuwing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid may nananalanging kayanin niya sana
Pagsubok na dulot ng bagong mundo
Pintuang bubuksan, na pinili ko
[Chorus 2]
Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Kasabay ng pag-akyat sa hagdan ng pagtatapos
Sa asul na langit, habang nakatingin
Humihinga ng malalim
Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Mga alaala na kay ganda, pumapaimbulog
Sa pagtahak sa bagong yugto ng ating buhay
Mga kamay, sabay-sabay nating 'wagayway
Song Comments
Must have JavaScript enabled to comment.On Talulot Ng Sakura by MNL48