Anestisya

Anestisya

by JBK

on Anestisya (2019)

Isang tagay na lamang
Isang lagok, malulunod din yan
Wag na nating pag-usapan
Kahit siya ang laman ng isipan

Ang katotohanan
Walang "hangganan"
Nasaan?

Na ang baso't yelo
Ibuhos yan dito
Gusto kong makalimot
Ano bang pakialam mo
Di ako nasaktan
Sino ang luhaan?
Heto nga't nagdiriwang
Ano bang pakialam mo hoh

Patay-sindi ang ilaw
Katulad ng nangyayari sa'min
Kung hindi mo usisain
Walang patid kasiyahan natin

O, ang katotohanan
Ay walang "hangganan"
Nasaan?

Na ang baso't yelo
Ibuhos pa dito
Gusto kong makalimot
Ano bang pakialam mo
Di ako nasaktan
Siya dyan ang sugatan
Tuloy ang pagdiriwang
Ano bang pakialam mo
(ano bang pakialam mo)

Hindi mo alam...
Hindi mo alam...

Ubos na ang yelo
Magdala pa dito
Gusto kong makalimot
Ano bang pakialam mo
Oo na't nasaktan
Oo na't sugatan
Isang tagay na lamang
Ano bang pakialam mo

Ano bang pakialam mo
O wala kang alam, wala kang pakialam
Ano bang pakialam mo

Song Comments
On Anestisya by JBK

Must have JavaScript enabled to comment.