For the Roadies (Tower Sessions Live)

Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon Official Soundtrack)

by December Avenue

on For the Roadies (Tower Sessions Live) (2020)

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso sa tuwing ako'y papalapit sayo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't huwag mong bitawan

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso sa tuwing ako'y nakatingin sayo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang

Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin

Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam

Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon

Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin

At sa bawat minuto
Ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin

Kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil para sa'ting dalawa
Ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin

Song Comments
On Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon Official Soundtrack) by December Avenue

Must have JavaScript enabled to comment.